ISA ang nanalo ng P80.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa San Pablo, Laguna. Isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 25-54-04-22-55-24.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong.
Nanalo naman ng tig-P32,090 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P1,060 naman ang 557 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P24 taya ng 10,685 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga premyo na lagpas sa P10,000 ay papatawan ng 20 porsyentong buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.