Julie Anne dedma sa mga kontra sa 'tambalan' nila ni Alden | Bandera

Julie Anne dedma sa mga kontra sa ‘tambalan’ nila ni Alden

Cristy Fermin - January 07, 2020 - 12:55 AM

JULIE ANNE SAN JOSE AT ALDEN RICHARDS

INABANGAN  namin talaga ang unang sultada ng All-Out Sundays, ang bagong musical variety show ng GMA 7, nandu’n na yatang lahat ang mga artista ng Siyete sa pangunguna ng pambato nilang contract star na si Alden Richards.

Panalo ang kanilang unang production number, ginamit ng programa ang lahat ng kanilang artista para pasabog agad ang kanilang pagsisimula, may bago na namang pagpipilian ngayong panoorin ang ating mga kababayan tuwing Linggo nang tanghali.

Sina Alden at Julie Anne San Jose ang lumalabas na poste ng programa, silang dalawa agad ang nagbukas ng show, buung-buo pa rin ang tiwala ng dalawa sa kanyang talento kahit pa nang umagang ‘yun pa lang ay marami nang kumokontra sa kanya sa social media bilang partner ng Pambansang Bae.

Parang Sunday PinaSaya rin ang All-Out Sundays na ang ipinagmamalaking pambenta ay ang kanilang kantahan at pagkokomedya.

Nakakaaliw ang kanilang segment na “Kiligable”, si Rhian Ramos ang pipili ng kanyang gusto sa dalawang kumakanta, laking-gulat ng dalaga dahil ang mga pagpipilian pala nito ay dalawang becki.

Bihis-babae sina Mariko at April, pero boses-lalaki, isa ‘yun sa mga nakakaaliw na bahagi ng All-Out Sundays.

Pinaghandaan ng mga tagahanga ni Alden Richards ang unang pasabog ng variety show, langkay-langkay ang kanyang mga fans, hindi maitatanggi na panahon talaga ngayon ng Asia’s Multimedia Star na nagdiwang rin ng kanyang kaarawan sa pag-uumpisa ng bagong variety show ng Kapuso network.

Sinisilip din namin ang ASAP Natin ‘To kapag commercial break ang All-Out Sundays. Hindi siyempre magpapakabog ang programa ng ABS-CBN kaya puro pasabog din ang ginawa ng produksiyon.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending