Biktima ng mga paputok umakyat na sa 46-DOH | Bandera

Biktima ng mga paputok umakyat na sa 46-DOH

- December 29, 2019 - 03:43 PM

UMABOT na ang mga biktima ng pagpapaputok sa kabuuang bilang na 46 ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOH na magkapareho ang mga kaso ng naitala mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 29, 2019 at noong 2018, bagamat 64 porsiyentong mas mababa kumpara sa nakalipas na limang taon.

Idinagdag ng DOH na pawang biktima ang mga nasugatan ng mga paputok at wala pang naitala na kaso ng paggamit ng baril at nakakain ng mga firecrackers.

Wala pa ring naitalang kaso ng pagkamatay dulot ng pagpapaputok.

Sa kabuuang bilang ng mga nasugatan, naitala ang pinakamataas na kaso sa National Capital Region (NCR) kung saan naiulat ang 18 kaso,  na sinundan ng Region I na may limang kaso. Tig-apat naman ang kasong naitala sa CALABARZON, Regions II, at V.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending