Kakulitan ni Alden sa taping ng ‘The Gift’ huli sa video
KAHIT mabibigat at madadrama ang mga napapanood na eksena sa Kapuso primetime series na The Gift, nagagawa pa ring light ni Alden Richards ang mga ganap sa likod ng mga camera.
Kapag hindi nakasalang sa taping ang Asia’s Multimedia Star, siya ang nagsisilbing pangtanggal pagod at stress ng kanyang mga katrabaho.
Sa kabila nga ng kanyang kabisihan idagdag pa ang mabibigat nilang eksena sa The Gift, nagagawa pa rin ni Alden na magpatawa at magpasabog ng good vibes sa set.
Sa isang exclusive behind-the-scenes video na inilabas ng GMA, kitang-kita ang kakulitan ng Pambansang Bae sa pagitan ng takes sa kanilang teleserye.
Matapos mag-cut ng eksena sina Direk LA Madridejos ay dumiretso siya sa holding area kung saan mag-isa na lang siya. Dito nagkunwari ang binata na nag-o-audition at sumusunod sa instructions ng direktor para sa isang video tape recording.
“VTR ‘yan. Turn to the left and smile. Pakilala. My name is Richard Faulkerson Jr.,” ang dialogue ni Alden. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit love na love si Alden ng kanyang co-stars sa The Gift pati na rin ng buong production – wala siyang kaere-ere at kayabangan kahit siya ang bida sa The Gift.
Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad. Abangan ang mas marami pang pasabog ni Sep (Alden) ngayong bumalik na ang kanyang paningin, lalo na ang namumuong magandang pagtitinginan nila ni Helga (Sophie Albert).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.