Angel Locsin nag-ala Darna uli para tulungan si Dimples Romana
NAG-ALA Darna na naman si Angel Locsin para damayan ang kanyang kaibigang si Dimples Romana.
Muling isinugod sa ospital ang asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee dahil ilang beses uli itong dumura ng dugo. Sa kanyang Instagram account, ibinalita ng Kadenang Ginto lead star ang nangyari sa kanyang mister.
Aniya, nakatanggap siya ng text mula sa anak na si Callie at sinabi ngang kailangan na nilang dalhin sa ospital si Boyet dahil sa kundisyon nito. Sinabi ni Dimples na agad naman siyang pinayagang umalis sa taping ng kanilang serye pero nagdesisyon siyang tapusin na ang mga natitira niyang eksena.
Narito ang caption ni Dimples sa ipinost niyang litrato sa IG na kuha sa loob ng ospital, “After that tough time we had a week ago, we were all nervous to go through it again. Told my bosses in ‘KG’ right away and they were all very gracious and concerned and told me naman to leave if I really have to dahil para sa aming lahat, family first. But I decided to stay and finish the last few scenes and called my brother to take my husband to the hospital instead.”
Nagpasalamat din ang aktres sa BFF niyang si Angel dahil hindi ito nagdalawang-isip na magbigay ng tulong sa kanyang pamilya, “And sa aming Darna, nilipad mo ang The Medical City. Salamat sa pagmamahal na maasahan forever. Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine ‘yung hiya niya.
“Salamat sa pagsama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan at pagaatubili, salamat. Mahal na mahal ka namin,” sey ni Dimples.
Matapos naman ang isinagawang operasyon sa kanyang asawa ay nasa maayos na kalagayan na raw ito, “He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, wala ka sa Panginoon ko! We got this.”
Kamakailan, naging emosyonal si Dimples sa presscon ng pelikulang “The Mall The Merrier”, isa sa mga official entry sa 2019 MMFF nina Anne Curtis at Vice Ganda, nang ikuwento ang naging kundisyon ng kanyang asawa matapos sumuka ng dugo. Ang akala raw talaga niya ay mawawala na sa kanya si Boyet kaya todo ang pasasalamat niya sa Diyos dahil binigyan pa Niya ito ng second chance na mabuhay para magkasama-sama pa silang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.