Duterte nasa maayos na kalagayan matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur
TINIYAK ng Palasyo na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Duterte at kanyang pamilya matapos namang tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao.
“He is ok. He and his daughter Kitty were in their house when the quake struck. First Lady Honeylet was on her way home it ground trembled. She said her car was swaying. She is unhurt,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ayon sa Philippine Insititute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol ganap na alas-2:11 ng hapon kahapon kung saan naitala ang epicenter nito anim na kilometro hilangang kanluran ng Padada, Davao del Sur.
Sinabi naman ni Presidential Security Group (PSG) Chief Jose Eriel Niembra na inaalam na kung may pinsala sa bahay ng pangulo.
“Wala namang damage house pero pa check pa rin ang structural integrity.,” sabi ni Niembra.
Idinagdag ni Niembra na natulog muli si Duterte matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.