OPM Hitmen wagi sa ICSYV; Roxanne na-in love agad kay Jobert
Pinatunayan ng OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Chad Borja, Richard Reynoso at Renz Verano na meron pa rin silang powers sa pagkilatis kung sino ang tunay na singer at kung sino ang mga nagpapanggap lang. Ang apat na OPM icons ang special guests ni Luis Manzano last Saturday sa isa namang riot at pampa-good vibes na episode ng I Can See Your Voice sa ABS-CBN. In fairness, kahit na nahirapan sila sa panghuhula kung sinu-sino sa mga SEE-cret Songers ang mga SEE-ntunados ay natumbok pa rin nila sa huli ang certified SEE-nger na si “Singka-Math at Talong” o Dianne Bautista sa tunay na buhay.
Marami ring naiyak na viewers sa kuwento ni Dianne na kahit nabuntis at nagkaanak nang maaga ay nagawa pa ring makatapos ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng I can See Your Voice ay nag-sorry siya sa kanyang parents sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali, “Sa pagkapanalo ko pong ito dito, feeling ko nakabawi na ako sa mga magulang ko.”
Samantala, patok na patok din sa manonood ang guesting ni Roxanne Barcelo sa programa bilang isa sa mga SING-vestigators. Hindi nagpatalbog ang singer-actress sa kakulitan at kalokahan ng iba pang SING-vestigators kabilang na sina Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Jobert Austria, Kean Cipriano, Andrew E at Bayani Agbayani. Sabi nga ng ilang netizens at adik na adik sa ICSYV, sana raw ay maging regular na siya sa show. Sa katunayan, na-in love agad si Roxanne kay Jobert dahil sa “katalinuhan” nito.
Siyempre, kilig na kilig naman ang komedyante dahil sa sinabi ni Roxanne! Comment nga ng ilang viewers, pwedeng maging loveteam ang dalawa! Kaya kung gusto n’yong lumigaya ang inyong buhay, at matulog ng punumpuno ng positivity in life, watch kayo lagi ng mystery mystery music game show na I Can See Your Voice every Saturday pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.