Dinaig ni Jerwin Ancajas si Jonathan Rodriguez ng Chile sa loob lamang ng anim na round para matagumpay na ipagtanggol sa ikawalong pagkakataon ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title nitong Linggo sa Puebla, Mexico.
Mula sa pagtunog ng opening bell ay agresibo na si Ancajas sa pag-atake at hindi na pinaporma pa ang challenger.
Dahil sa panalo ay umangat na sa 32-1-2 at 22 KOs ang professional ring record ng Pinoy champion.
Huling nagwagi ang southpaw na si Ancajas nitong Mayo 4 sa Stockton, California, nang patulugin si Japanese Ryuichi Funai sa ikaanim na round. Bago ang laban kay Funai, nakakuha ng split-decision draw si Alejandro Santiago sa Pinoy champion nitong Sept. 28, 2018.
Galing sa magkasunod na panalo si Gonzalez mula nang matalo sa ikawalong round laban kay Andrew Moloney nitong Mar. 22, 2018.
Target ng 27-anyos na si Ancajas na ma-unify ang lahat ng world title sa 115 pounds.
Ikinalugod ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang panibagong tagumpay ni Ancajas.
“The GAB once again greets IBF World Champ Jerwin Ancajas on his 8th successful defense of his title against Chilean Miguel Gonzalez. He is a great example of a Pilipino Champ with his humble but hard working ways. We hope that he will continue to inspire Young boxers and athletes in general,” pahayag ni Mitra.
“The Philippines now has four world champions namely Sen. Paquiao, Jerwin Ancajas, IBF world minimum weight Champ Pedro Taduran and newly crowned IBF world bantamweight Champ Johnreal Casimero.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.