Produ ng 'Malvar' tumanggap ng Marcelo Del Pilar Gawad Plaridel Manananggol ng Bayan award | Bandera

Produ ng ‘Malvar’ tumanggap ng Marcelo Del Pilar Gawad Plaridel Manananggol ng Bayan award

Ervin Santiago - December 05, 2019 - 12:44 AM

Ginawaran ng Gat Marcelo H. Del Pilar Gawad Plaridel Manananggol ng Bayan Award kamakailan si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., ang apo ng ating National Hero na si Gen. Miguel Malvar at producer ng pelikulang “Malvar”. Ito’y mula sa Samahang Plaridel, Association of Philippine Journalists, Inc., sa pangunguna ni Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Ang “Malvar” ay ang true-to-life story ni Gen. Malvar, na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao, Ngayon pa lang ay balitang pinaghahandaan na ng Pambansang Kamao ang nasabing proyekto dahil nais niyang mabigyan ng hustisya ang pagganap bilang bayani.

Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Atty. Villegas, Founding Chairman of the Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (KKK-CCW), na ang JMV Films/Dreamwings-Papin Entertainment in honor of Gen. Miguel Malvar, ay magkakaroon ng Christmas party sa Aberdeen Court Quezon City sa Dec. 22, 2019 kung saan inaasahang dadalo ang all-star cast ng pelikula sa pangunguna na nga ni Sen. Pacquiao.

Isa-isa silang ipakikilala ni Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin, ang Line Producer naman ng “Malvar”, kasama si Sec. Salvador Panelo, Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson, na magsisilbi namang Keynote Speaker at si Batangas Gov. Hermilando Mandanas as guest of honor and speaker.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending