School nilamon ng apoy; P8M naabo | Bandera

School nilamon ng apoy; P8M naabo

John Roson |December 04,2019
facebook
share this

School nilamon ng apoy; P8M naabo

John Roson - December 04, 2019 - 04:38 PM

AABOT sa P8 milyon halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang gusali ng isang paaralan sa Lucena City, Quezon, Martes ng gabi, habang binabayo pa ng malakas na hangin ng bagyong “Tisoy” ang lalawigan.

Nasunog ang Gabaldon Bldg. ng Lucena West 1 Elementary School na nasa Old Maharlika Highway, Brgy. Ilayang Iyam, at naiulat ito sa lokal na pulisya pasado alas-7, ayon sa Quezon provincial police.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection nang matunugan ang insidente at nagtungo rin ang mga pulis para maglapat ng seguridad sa paligid, ayon sa ulat.

Naapula ng mga tauhan ng BFP Lucena ang apoy alas-9:55.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng apoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending