McCoy ‘basted’ kay Miles: Simula pa lang sinabi ko na ang desisyon ko

By Ervin Santiago December 04,2019
share this

McCoy ‘basted’ kay Miles: Simula pa lang sinabi ko na ang desisyon ko

By Ervin Santiago December 04,2019
share this

BASTED nga ba si Hashtag McCoy de Leon kay Miles Ocampo? Kumalat ang balita na nanligaw ang Kapamilya young actor kay Miles pero hindi nga ito nag-level up o nauwi sa isang mas seryosong relasyon.

Bago ang premiere night ng pelikula nina Miles at Rocco Nacino na “Write About Love” na official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival nakausap muna ng ilang members ng entertainment media ang dalaga at natanong nga siya tungkol kay McCoy.

Inamin ng young actress na nagtangkang manligaw sa kanya ang binata pero ayaw niyang tawaging basted ito sa kanya dahil tuloy pa rin naman ang kanilang friendship.

“Simula pa lang kasi nagsabi na ako sa kanya kung anong desisyon ko. Hindi naman po basted na agad, kasi okay naman po kami na friends. Kasi kung babastedin mo, puputulin mo yung friendship niyo, di ba?” pahayag ni Miles.

Kung matatandaan, na-interview si McCoy sa Tonight With Boy Abunda last September at dito nga niya inamin na like niya si Miles at hiniling pa nga niya na sana’y ang dalaga na ang susunod niyang maging girlfriend. Sey pa ng aktor, “Masaya po kami kung ano pong status po namin.”

Laging sinasabi ni Miles na proud siyang sabihin na sa edad 22, ay “No Boyfriend Since Birth” o NBSB pa rin ang kanyang status. Kaya ang sumunod na tanong sa kanya, hindi ba siya nape-pressure na magka-boyfriend? “Hindi naman. Hindi ko po alam bakit big deal ‘yun sa ibang tao. Pero for me kasi as of the moment, na-e-enjoy ko po sarili ko. Mahilig po akong mag me-time talaga, yung kakain ako mag-isa.”

Natawa lang si Miles nang may magkomento na baka isipin ng ibang tao na lesbiyana siya dahil parang wala siyang panahon sa mga lalaki, “Alam niyo bakit gano’n ang mga tao no? Kapag walang jowa, tomboy. Kalerky!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending