outbrain

Oyo Sotto nakiusap sa netizens: Wag kayong magkalat ng fake news

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

Oyo Sotto nakiusap sa netizens: Wag kayong magkalat ng fake news

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

NAALARMA ang Kapuso actor na si Oyo Sotto sa kumakalat na post sa social media kung saan nakalagay ang kanyang mukha at may quote card na bumabatikos sa mga namba-bash kay Pangulong Rodrigo Duterte. Mariing pinabulaanan ng mister ni Kristine Hermosa na sa kanya galing ang nasabing post.

Sa Instagram post ng anak ni Bossing Vic Sotto, binigyan diin nito na wala siyang kinalaman sa naturang post at itinanggi niya na galing sa kanya ang naturang quote. Pakiusap niya sa mga netizens, huwag nang ikalat ang nasabing post dahil fake news ito.

“GUSTO KO LANG PO LINAWIN NA HINDI SA AKIN GALING ANG MGA SALITANG NASA PICTURE. MATAGAL NA PO ITO, MAY NAGKALAT NA NAMAN. DOON PO SA GUMAWA NITO, PAKI DELETE AT WAG PO SANA GAMITIN ANG KUNG SINO MAN NA HINDI NAMAN TALAGA NAG SABI NYAN. MAG INGAT PO TAYO SA FAKE NEWS. SALAMAT PO. #MaramingNamamataySaAkala,” ang mensahe ni Oyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending