cMay nakalaang 22,000 jobs para sa mga naghahanap ng trabaho sa job fair ng Department of Labor and Employment. Isasagawa ang job fair sa iba’t-ibang lugar sa bansa hanggang Disyembre 16. Kabilang sa inanunsiyo ng ahensya ang mga posisyon na maaaring aplayan dito mismo sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ang production operator, customer service representative, technical support representative, counter support services, sewer, warehouse custodian, loan officers, retail service assistant, at receiving admin specialist. May trabaho rin na naghihintay para sa production workers, nurses, laboratory technicians, respiratory technicians, at iba pa. Nasa kabuuang 184 employers ang makikilahok sa job fair. Narito ang listahan ng araw kung kailan nakatakdang ganapin ang job fair ng DOLE at maging ang lugar kung saan ito ilulunsad: November 28: Cuneta Astrodome, Pasay City (NCR) December 4: Ayala Malls, Legazpi City, Albay (Region 5) December 5: Bacnotan, La Union (Region 1) and Robinson’s Galleria South, San Pedro City, Laguna (Region 4A) December 9: Robinson’s Place, San Nicolas, Ilocos Norte (Region 1) December 11: Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan (Region 1) December 16: Dagupan City Astrodome, Dagupan City, Pangasinan (Region 1) Pinaalalahanan naman ni Labor & Employment Secretary Silvestre Bello III ang mga jobseekers na maghanda ng kanilang requirements upang mas mapabilis ang proseso ng kanilang aplikasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.