2 gov’t officials mahilig sa TV journalists | Bandera

2 gov’t officials mahilig sa TV journalists

Den Macaranas - November 29, 2019 - 02:36 PM

 

 

HINDI lang pala basta chickboy kundi may pagka-dugong bughaw este bugaw rin pala ang isang government official.

Aba’y tinamaan ng magaling at ginamit pa ang kanyang impluwensya para lamang mailapit sa dalawang babaeng TV journalists ang kanyang kaibigan na isang career diplomat.

Ayon sa aking cricket, sa magkahiwalay na pagkakataon ay gumawa ng paraan si Sir para maipakilala sa kanyang friend na dating consul general ang dalawang TV journalists na matagal na pala niyang pinagpapantasyahan.

Kunwari ay magbibigay ito ng exclusive story pero sa totoo lang ay paraan lamang niya ito para makilala ng nasabing diplomat ang naturang mga journalists.

Natural na hindi kumagat sa diskarteng-bulate ang mga mamamahayag dahil una ay pareho na silang may asawa at ikalawa ay hindi nila type ang style ng mga bida nating government officials.

Si Mr. Government Official ay matagal nang kilala na mahilig sa mga journalists.

Kahit ilang beses na itong nabasted ay tuloy lang ang kanyang panunuyo dahil sa pag-asang balang araw ay magtatagumpay rin siya.

Masyado siyang fixated sa mga news personality ayon pa sa aking cricket bagaman may mga girls rin naman siya na nakukuha sa kanyang rendezvous paminsan-minsan.

Kamakailan ay naging sentro rin siya ng tsikahan ng mga reporter dahil naligaw sa isang chat group ang kanyang message sa kanyang chiching na isinama sa isang official visit sa abroad ilang araw lamang ang nakalilipas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga bida sa ating kwento ngayong araw ay sina Mr. B…as in Boracay na isang career diplomat at si Mr. S…as in Santorini na isang mataas na government official.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending