Kabahayan nilamon ng apoy: 1 patay, P2M naabo | Bandera

Kabahayan nilamon ng apoy: 1 patay, P2M naabo

John Roson |November 28,2019
facebook
share this

Kabahayan nilamon ng apoy: 1 patay, P2M naabo

John Roson - November 28, 2019 - 03:20 PM

ISANG 59-anyos na babae ang nasawi at aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi bilang si Inigunda Nida Quiniquini, isang person with disability o may kapansanan, ayon sa ulat ng Bacoor City Police.

Naganap ang insidente sa Gardenia Valley Subdivision sa Brgy. Molino 3, dakong alas-12.

May nadinig umanong pagsabog sa bahay ng isang Lauro Quiniquini at kasunod nito’y kumalat na ang apoy, ayon sa ulat.

Tatlong unit ng 1-palapag na bahay ang naapektuhan ng sunog.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad para malaman ang sanhi ng aumno’y pagsabog at ng apoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending