Jimmy Bondoc feeling powerful sa gobyerno, appointee lang naman ni Pangulong Duterte | Bandera

Jimmy Bondoc feeling powerful sa gobyerno, appointee lang naman ni Pangulong Duterte

Ronnie Carrasco III - November 28, 2019 - 12:01 AM


INALMAHAN ng Pagcor executive na si Jimmy Bondoc ang post ni Agot Isidro na kumuda sa ginawa nitong pagtapyas sa budget na nagtatawid ng tulong-pinansiyal sa mga pangangailangan ng tao.

Ang Pagcor, as we all know, ay takbuhan ng mga taong gipit at nangangailangan ng ayuda.
Agot maintains this isn’t right.

Generally, saan mang tanggapan where money is involved ay katakutakot nga namang proseso ang kailangang pagdaanan before it is released for whatever purpose where the money is intended.

Kapag minamalas pa ang humihingi ng tulong, nakakamatayan na ng pasyente ang ayudang dapat sana’y dumating when the patient was still fighting for his dear life.

But as far as Jimmy is concerned, hindi raw ito red tape. While we understand where Jimmy is coming from, hindi namin maunawaan ang tila pagpapamalas niya ng kapangyarihan.

Kinukumbinsi niya kasing subukang magtrabaho ni Agot sa gobyerno. Ito’y para mismong ang singer-actress na rin ang magsabing government service isn’t a piece of cake.

What scared the daylights out of us ay ang kabuntot na pahayag ni Jimmy that should Agot express willingness to land a government job even for a short period of time ay kakausapin niya ang kanyang mga boss to take her in.

At hindi lang ‘yon sa Pagcor kundi saan pa mang ahensiya ng pamahalaan where Agot so wishes to work. Talaga lang, ha?

Dapat munang ma-realize ni Jimmy na isa lang siyang appointee to the position he’s currently taking a grip on and will die for.

Appointee ka lang, mag-a-appoint ka pa? The least that Jimmy can do is to recommend an applicant to the proper office kung saan nababagay si Agot based on her credentials.

At gaano nakakatiyak si Jimmy that Agot would like to work in the government, aber? And under the present administration at that?

Ang aminin ni Jimmy, he has a chip on his shoulder against the critics of this administration. And Agot being a Kapamilya actress whose home network is on the brink of closure very well explains why Jimmy behaves this way.

Minsan nang sinabi ni Jimmy that he wished ABS-CBN would close down.

Oo nga naman, as we speak now ay ilang buwan na lang from now ang petsa kung kailan magtatapos ang prangkisa ng nasabing istasyon (March, 2020).

With his wish comes the public impression na walang inilayo sa kakayahan niyang mahanapan ng puwesto si Agot sa gobyerno. Bakit, kailan pa nasa Lower Congress si Jimmy, samantalang ang kinabukasan ng ABS-CBN ay nakasalalay sa kamay ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan?

Feeling mighty and powerful naman itong si Jimmy kung paanong tulad ng kanyang apelyido’y matayog din ang kanyang kaisipan as though he’s looking down from the summit.

Ayaw naming isipin na kaya ipinagtatanggol at binibigyang-katwiran ni Jimmy ang budget slash sa pondo ng Pagcor ay dahil sa estado niya sa buhay.

Hindi niya ramdam ang katayuan o sentimyento ng mga nagdarahop sa buhay. Wala sa talasalitaan niya ang salitang krisis.

Words like poverty, empathy and compassion do not exist.

Lalong wala sa bokabularyo ni Jimmy ang pariralang malayang pamamahayag ng mga saloobin sa isang demokratikong lipunan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Excuse us, kakain pa kami ng sardinas straight from the can.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending