I-text kay Madam Sophia (July 31, 2013) | Bandera

I-text kay Madam Sophia (July 31, 2013)

Madam Sophia |July 31,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia (July 31, 2013)

Madam Sophia - July 31, 2013 - 07:00 AM

Mula kay Ling ng …3347. April 19, 1996 ang birthday ko. Ano po ba ang kapalaran ko, may darating bang suwerte sa buhay ko?
Tugon ni Madam Sophia:
 Ayon sa birthday mo, laging may magandang suwerteng darating sa iyong kapalaran sa ayaw at sa gusto mo. Ibig sabihin likas kang suwerte!
 Ang tanong lang ay ganito: “Kapag may dumating na suwerte mapapangalagaan mo ba ito upang wag maubos at masayang?”
 Magagawa mo kung tatandaan mo ang ganitong simpleng gabay: Una, kapag nakahawak ka ng napakalaking halaga ng salapi, na tiyak na makakahawak ka nyan, wag mo agad ubusin at lustayin sa halip, kalahati ng malaking halaga na mahahawakan mong salapi ay ipunin o itabi mo sa banko.
 Pagkatapos, naubos na yong kalahati, wag mo ng gagalawin yong naipon mong kalahati na malaking halaga na iyong ibinanko o itinago.  Sa halip, hintayin mong may dumating uli, kapag may dumating uli na malaking halaga, na tiyak namang laging may darating sayo, dahil likas ka ngang suwerte, kalahati lang uli ang lustayin at ubusin mo habang yong kalahati ay itabi o ipunin mong muli sa banko.
 Sa ganyang paraan, kalakalahati lang ng nahahawakan mong pera ang nilulustay at inuubos mo, magugulat ka pa, sa taong 2036 sa edad mong 41 pataas mayamang-mayaman ka na pala ng hindo mo inaasahan.
 Nangyari, hindi dahil sinuwerte ka, pero kasama na rin yon, sa halip, nangyari talaga iyon, mayamang-mayaman ka na, dahil kahit na naging lustay ka o gastadora, natutunan mong magtabi ng pera at mag-ipon.
 Sa pag-ibig ay ganon din, sa sandaling lumutang ang isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius o kaya’y Libra na may birth date na 7, 16,  25, 4, 13, 22, o kaya’y 31, wag mo na siyang pakawalan, siya ang lalaking makakasama at magbibigay sa iyo ng suwerte habambuhay.
>>>
Mula kay Migo Topacio ng Ternate, Cavite. November 14, 1979 ang birthday ko. Matutuloy po kaya ako sa South Korea?
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, ngayong taon hanggang 2014, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending