Kontrobersyal na female celeb nilayasan na ng dyowang negosyante: Nakakaawa siya! | Bandera

Kontrobersyal na female celeb nilayasan na ng dyowang negosyante: Nakakaawa siya!

Cristy Fermin - November 24, 2019 - 12:41 AM

SA isang umpukan ay napagpistahan ang personal na buhay ng isang pamoso at kontrobersiyal na female personality. Maraming nag-aalala na baka tumanda siyang bnag-iisa.

   Meron naman siyang anak pero kailangan din niya ng katuwang na makakasama sana sa buhay pero mukhang malayong mangyari ‘yun.

   Kalat na ang kuwento na may bago nang karelasyon ang ama ng kanyang anak, isang babaeng mula sa isang kilalang pamilya sa lipunan, maganda na ay edukada pa.

   Paano na ang female personality kung ganyan na seryoso na pala ang pakikipagrelasyon ng ama ng kanyang anak sa edukada at magandang babae?

   Kuwento ng isang source, “Kaya naman pala nagkakawindang-windang ang buhay ng female personality na ‘yun, e, ipinagpalit na pala siya ng father ng anak niya sa ibang babae!

   “Kunsabagay, ikaw man ang guy, e, gagawin mo na rin siguro ang ganu’n, kasi nga, kung kani-kanino naman nali-link ang girl! Ang dami-dami na niyang ibinibigay na kahihiyan sa family niya!” unang chika ng aming impormante.

   Kani-kanya na pala sila ng buhay ng businessman niyang karelasyon, wala na itong pakialam sa mga pinaggagagawa niya, malaya na niyang gawin ang kahit anong gusto niya.

   Patuloy ng aming source, “Ang nakakapag-worry lang, e, paano kung mawala na rin ang karelasyon niyang negosyante ngayon? Paano na lang siya, di hahanap na naman siya ng ibang magiging boyfriend?

   “Remember, hindi na siya bumabata, nahahalata na rin ang pagkakaedad niya, gaano man siya kayaman, mahahalata pa rin ang pagtanda niya!

   “Ilang years pa mula ngayon, e, matron na ang peg niya, sa totoo lang, kaya ano na lang ang magiging buhay niya? Maghahanap siya ng mga boys na pumapatol sa mga wrangler na?” nag-aalala pang komento ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

   Malungkot pala ang buhay ng female personality na ito kaya siya nagkakaganyan. Mapera nga siya, pero hindi niya naman kayang bilhin ang kaligayahan, nakakaawa naman siya!” pagtatapos ng napapailing naming source.

   Oh, boy! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, nakakaawa naman pala ang ikot ng buhay ng babaeng personalidad na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending