Vice Ganda dedma sa mga moralista; muling ibinandera ang pag-ibig kay Ion | Bandera

Vice Ganda dedma sa mga moralista; muling ibinandera ang pag-ibig kay Ion

Bandera |November 22,2019
facebook
share this

Vice Ganda dedma sa mga moralista; muling ibinandera ang pag-ibig kay Ion

Bandera - November 22, 2019 - 01:05 AM

VICE GANDA AT ION PEREZ

MULING ibinandera ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Ion Perez sa pamamagitan ng Instagram.

Dedma ang TV host-comedian sa lahat ng mga nangnenega sa relasyon nila ng kanyang boyfriend pati na rin sa mga taong nagsasabing kaimoralan at kasalanan sa Diyos ang ginagawa niya.

Proud na proud na ipinost ni Vice ang latest photo nila ni Ion sa Instagram habang magka-holdings hands na may caption na, “Darating ang panahon na may makikilala kang taong mamahalin mo at mamahalin ka din.”

Pinusuan ito ng libu-libo niyang followers at habang sinusulat namin ang balitang ito, umabot na rin sa mahigit 688,000 likes ang kanilang photo. Ilang celebrities din ang nag-comment sa post ni Vice kabilang na sina Judy Ann Santos, Camille Prats, Sandara Park, Maxene Magalona, Rayver Cruz, Karla Estrada at maramin pang iba.

Ilang araw na ang nakararaan, sinabi ni Vice na nagpasya na silang umamin ni Ion sa madlang pipol dahil naniniwala siyang walang dapat ikahiya sa kanilang relasyon.

“It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip mas nae-enjoy namin ang buhay,” chika ni Vice.

Bago ito, nag-post si Vice ng sweet photo nila ni Ion na may caption na, “This love is too beautiful to be kept in the closet.”

Samantala, open si Ion sa posibilidad na si Vice Ganda na ang makasama niya for the rest of his life at hindi na mag-asawa ng babae tulad ng nasabi niya sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, “Hindi na po siguro kasi ayan na, e, mag-aano (magsasama) na lang po kami.”

Inamin ng binata na napag-uusapan na rin nila ni Vice ang pagpapakasal pero ang tungkol sa anak, wala pa raw sila sa usaping ito. Natanong si Ion kung okay ba sa kanya ang in vitro fertilization para pwedeng isa sa kanila ni Vice ang magiging tatay ng bata.

“Hindi po namin napag-uusapan ‘yan. Pero kung kanino man manggagaling sa aming dalawa, mamahalin po namin, kasi parang blessing po na ibinibigay ‘yan,” aniya. Dagdag pa ni Ion, “Basta kami, ang ano lang po namin ngayon, masaya na nagkakaintindihan kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending