'Napaka-yummy namang bulag ni Alden sa The Gift!' | Bandera

‘Napaka-yummy namang bulag ni Alden sa The Gift!’

Cristy Fermin |November 22,2019
facebook
share this

‘Napaka-yummy namang bulag ni Alden sa The Gift!’

Cristy Fermin - November 22, 2019 - 12:30 AM

ALDEN RICHARDS

Komento ng isang anak-anakan naming becki habang nakatutok ito sa The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards, “Napaka-yummy namang bulag nito! Ulam na ulam! Kanin na lang ang kulang!”

Napahalakhak kami sa kanyang komento, talagang guwapong-guwapo ang becki sa Pambansang Bae, kaya wala itong pinalalampas na episode ng serye.

At kung puring-puri ng aming anak-anakang becki si Alden ay suko naman hanggang langit ang pagngingitngit nito kay Marin del Rosario, mahusay naman kasing magkontrabida ang nagbibida ring aktor, epektibo ang pag-arte nito.

Kahit ang mga kaibigan naming may pinagkakaabalahang trabaho ay umuuwi nang maaga para lang matutukan ang The Gift. Traffic naman ang unang-una nilang kinaiinisan, kaya ipinate-tape nila ang serye sa kanilang mga kasambahay, tulad namin.

Sabi ni Liza, ang kaibigan naming tahimik lang na tagahanga ni Alden, “Ewan ko ba! Sa dami ng mga artista, e, kung bakit na-hook ako sa batang ‘yun! Naaawa ako sa itsura niya!

“Not only now na bulag ang role na ginagampanan niya, ha? Kahit nu’n pa! Kapag nakikita ko siya, e, bigla akong naaawa sa kanya! It must be because of his eyes!

“Napaka-soulful kasi ng mga mata ni Alden, mararamdaman mo na lang na naaawa ka na sa kanya! Lalo na ngayon sa The Gift, nadagdagan pa ang pagkaawa ko sa kanya,” pagtatapos ng aming kaibigan.

Palalim na nang palalim ang ikot ng istorya ng The Gift, hawak na ng serye ang manonood sa leeg, panalung-panalo ang Pambansang Bae!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending