Bwelta ni Angeline sa Basher: ‘Wag n’yo na pong pag-aksayahan ng oras ang boobs ko!
HINDI pinalampas ni Angeline Quinto ang isang basher na napagdiskitahan ang kanyang boobs.
“Hoy Angge…kung kakanta ka naman sa ASAP lantaran na yung boobs, o. Kakahiya ka!!! Ayos ayosin mo naman. Ganyan ba ang dalagang pilipina?” came Angeline’s basher’s rant sa Instagram.
Agad naman itong sinagot ni Angeline who said, “Maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit paano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan.
“Kung problema niyo po ang boobs ko, wag niyo na pong pag aksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko.
Tama po? Salamat po.”
Pinagtulungan ng followers and fans ni Angeline ang basher.
“Bhe @loveangelinequinto, I love it! when you responded to your bashers infrequently, these people must learn to respect other peoples choice, she should be thankful to you as you are teaching her a lesson, no matter how old is she, what she said was so disrespectful! who are they to judge anyone? Stay who you are, we love it and we love you for being you.You’re doing very well, Queen.”
“Hellow lodi Angeline. wag mo nalang pansinin ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang pakialaman ang ibang tao. Ang isipin m po marami kaming nagmamahal sayo. magisa lang cia…I love u angeline god bless u. Always.”
“Honestly natawa ko sa comment ni ateng. Boobs talaga? daming time ni ate para maka comment pa ng ndi naman related sa life nya.”
“Pakialam mo ba kung nilalabas man ni Angeline ung boobs nia. Boobs naman nia un kung wala kang mako comment na maganda dapat hindi kana nagcomment. Bashers!!!”
“Hayaan mo na Angaline wag mo bigyan na time mga ganyan tao masasayang lang oras mo jan basta ako masasabi ko ang galing galing mo at ang ganda ganda mo. Dedma sa bashers!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.