Maine Birit Queen na rin, nganga ang audience sa version ng ‘I Don’t Wanna Miss A Thing’ | Bandera

Maine Birit Queen na rin, nganga ang audience sa version ng ‘I Don’t Wanna Miss A Thing’

Jun Nardo |November 17,2019
facebook
share this

Maine Birit Queen na rin, nganga ang audience sa version ng ‘I Don’t Wanna Miss A Thing’

Jun Nardo - November 17, 2019 - 12:40 AM

MAINE MENDOZA

NAPAHANGA ni Maine Mendoza si Jose Manalo at mga kababayan nating OFW nang kantahin nito ang birit song na “I Don’t Wanna Miss A Thing” sa nakaraang show ng Eat Bulaga sa Dubai.

Solong kumakanta si Meng habang sa naglabasang video sa social media ng show, nasa gilid naman ng stage si Jose at pinanonood ang solo performance ng Phenomenal Star.

Of course, sa Eat Bulaga nahasa ang pagkanta ni Maine sa harap ng napakaraming tao. Kahit likas siyang komedyante, kapag EB Dabarkads ka, kailangan mong gawin ang lahat — mula sa pagpapatawa, pagkanta at pagsasayaw.

Kaya naman ang mga fans ni Maine, nanawagan muli sa Universal Records na ilabas na ang album ng dalaga. Sa UR kasi nakapirma ng recording contract ang TV host-actress at kung matatandaan naglabas na sila ng teaser a few months ago about Maine’s album.

Anyway, si Maine ang pinarangalang Pak na Pak na Comedian sa isang blogsite kamakailan. Ang kinabibilangan naman niyang sitcom na Daddy’s Gurl ay winner bilang Best Comedy Program sa 2019 Catholic Mass Media Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending