Breast Cancer Awareness Month: Iba't ibang pag-aaral para makaiwas sa sakit | Bandera

Breast Cancer Awareness Month: Iba’t ibang pag-aaral para makaiwas sa sakit

Inquirer - October 28, 2019 - 08:03 AM

OCTOBER 21, 2019 Employees of Quezon City Hall gather to form a human formation of Pink Ribbon at Quezon City Hall in celebrate Breast Cancer Awareness Month. It is annual international health campaign organized by major breast cancer charities every October to increase awareness of the disease and to raise funds for research into its cause, prevention, diagnosis, treatment and cure. INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

BREAST Cancer awareness month ang Oktubre. Nilalayon nito na palaganapin pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa common na sakit ng mga babae sa buong mundo.

Narito ang ilang mga research findings sa nakaraang taon na kinalap ng Inquirer Lifestyle na posibleng magsalba o makabawas sa risk na tamaan ng breast cancer:

1. Iwasan ang paggamit ng cell phone sa gabi

Base sa European research ang night-time exposure sa blue light na ini-emit ng mga smartphones at tablets, ay isa sa sinasabing nagpapataas ng risk para makadevelop ng breast at prostate cancer.

Sa datos na kinalap mula sa 4,000 katao na may edad na 20 hanggang 85, natagpuan na sila na mga exposed sa higher levels ng blue light ay may dalawang beses na higher risk para makadevelop ng nasabing sakit kumpara sa mga hindi masyadong exposed.

Ipinapayo ng maraming eksperto na iwasan ang bright light at blue light mula sa computer at phone screens sa loob ng dalawang oras bago matulog para makaiwasa sa negative effect ng blue light.

2. Kumain ng hapunan nang mas maaga

Sinasabi ng Spanish researchers na ang mga babae na natutulog na dalawa o apat na oras matapos maghapunan ay may 20 percent mababang risk para magka breast cancer kumpara sa mga natutulog agad pagkatapos kumain.

Kaya mas mabuting kumain nang mas maaga kaysa sa 9.pm.

3. Manirahan sa green space

Ayon sa pag-aaral, malaki ang maitutulong sa paglaban ng breast cancer ang paninirahan sa mga lugar na malapit sa mga mabeberdeng lugar gaya ng park at garden.

“The study found that there was a linear correlation between distance from green spaces and breast cancer risk, with the risk declining the closer a woman’s residence is to an urban green space,” ayon sa European research.

4. Umiwas sa trabahong panggabi

Matapos ma-survey ang 13,000 kababaihan sa Australia, Canada, France, Germany at Spain, natagpuan ng isang team ng international researchers na ang risk para makadevelop ng breast cancer ay tumataas dahil sa bilang ng oras ng trabaho sa gabi

Ayon sa pag-aaral, ang mga babae na nagtatrabaho at least three hours between midnight and 5 a.m. kada gabi ay may 12 percent greater risk na makadevelop ng breast cancer kumpara sa mga babae na hindi nagtatrabaho sa gabi.

Bababa ang risk sa loob ng dalawang taon na hindi pagtatrabaho sa gabi.

5. 5.5 portions of fruit and vegetables

A large-scale study na ginawa ng Harvard T.H. Chan School of Public Health, na tumingin sa 182,145 kababaihan na may edad na 27 hanggang 59, ang nagsabi na ang mga babae na kumakain ng 5.5 servings of fruits and vegetables kada araw ay may 11 percent lower risk para magkaroon ng breast cancer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malaking benepisyo rin ang pagkain ng gulay gaya ng broccoli at dilaw at orange na gulay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending