HOROSCOPE July 28, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 28, 2013

Madam Sophia - July 28, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa pagsisimba. Pagkatapos wag magpatangay sa kantiyaw ng mga kaibigan, sa bandang huli bulsa mo rin ang masasaktan. Sa piling ng isang Aries mas mainam i-celebrate ang iyong kaarawan. Mapalad ang 7, 19, 22, 28, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –    Wag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masandalan, ang kasuyong Sagittarius parin ang lubos na maaasahan! Mapalad ang 3, 6, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Green at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –   Hindi pwede ang puwede na! Kailangang ibigay mo ang the best! Hindi pwedeng tumutubo ka lang,  ang dapat isipin ay ang mas malaking kita. Sa pag-ibig, hindi pwedeng kiss lang, kailangang mas may higit pa sa halik. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, ar 48. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Pink at purple ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) –    Sa pag-ibig, tanggapin ang alok ng kasuyo na pamamasyal sa malayong lugar – minsan-minsan lang yan, higit lalo kung siya naman ang taya. Sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Violet at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –    Sa pinansyal, magtabi ng pauti-unting pera, upang kapag may nangutang may maipahiram ka. Sa pag-ibig, wag kang gastos ng gastos, hayaan mong matutong bumunot ang kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Lagi kang hahanapan ng butas, lapitin ka kasi ng intriga! Wag mo silang intindihin, ang mahalaga: “marami kang pera, kahit na marami kang mali”. Sa pag-ibig, bastat kasama mo siya, okey lang ang lahat. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –    Hindi ka totoong matalino, dahil kung matalino ka dapat mayaman ka na ngayon! Hindi pa huli ang lahat. Kung ang pagiging maangas ay iko-convert sa pagkakaperahan, mas mabilis kang umunlad. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang magkapera. Mapalad 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Hindi masarap ang buhay kung walang pag-ibig. Upang kumita ng malaking halaga, kailangang lagi kang in love. Sa pag-ibig, mamayang gabi ulit-uliting ibulong sa kasuyo ang salitang “ I Love You.” Mapalad ang 5, 13, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Mandala.” Silver at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, kaya maraming sablay kasya sa tagumpaynya ka liligaya. Mapalad ang 1, 11, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Purple at magenta ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Wag masyadong magpa-sexy, dati ka ng maganda! Kapag lalo ka pang gumanda  may darating na tukso na sa bandang huli’y baka hindi mo maiwasan. Tandaang higit na mas maligaya  ang isang taong simple lang, pero rock! Mapalad ang 3, 15, 24, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om”. Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Akala mo ba’y masaya ka ngayon, ko mo’t marami kang pera? Hindi kaya! Aanhin mo ang salapi, kung wala namang totoong pag-ibig na dumarating? Mapalad ang 4, 15, 23, 43, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kali-Guya-Om.” Beige at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –   Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation.  Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple  at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Ang pagmamadali ang susi ng tagumpay. Wag babagal-bagal. Kung pagpapayaman ang layunin, bilisan mo, ngayon mo na gawin. Sa pag-ibig, kapag may dumating na relasyon – sunggab agad! Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om-Ketum.” Blue at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending