‘Hayop talaga ang mga mata ni Alden Richards!’

By Bandera October 11,2019
share this

‘Hayop talaga ang mga mata ni Alden Richards!’

By Bandera October 11,2019
share this

ALDEN RICHARDS

HOOK na hook na ang sambayanan sa mas tumitindi pang mga eksena sa inspirational Kapuso primetime series na The Gift lalo na ngayong unti-unti ng karakter ni Alden Richards bilang Sep ang bago niyang kakayahan.

Gabi-gabing trending sa social media at talagang pinag-uusapan ng mga manonood ang bawat episode ng The Gift kaya nga puro pasasalamat na lang ang nasasabi ng Asia’s Multimedia Star sa walang sawang pagtutok ng mga manonood sa kanilang serye.

Sa nakaraang episode ng serye maraming netizens ang na-carried away sa mga eksena ni Alden. Umamin ang mga ito na talagang napaiyak sila nang mabulag si Sep pero na-excite sila ngayong may powers na ang binata na makita ang past and future ng isang tao.

Ayon sa isang Kapuso viewer sa Twitter, “After watching last night’s episode, I really hoped that many more people would get to see #TheGift. Not only for the ratings but because it really has a great message. It’s inspiring, and empowering without being too over the top.”

Nadudurog din daw ang puso nila sa mga eksena ni Alden na nagpapaiyak sa kanila gabi-gabi. Comment pa ng isang viewer, “Ang husay ng handling and delivery ni Alden ng emotions niya na takot, hurt, angry, and helpless.”

Ito naman ang komento ng isa pang Kapuso viewer, “Ibang klase talaga ang mata ni Alden. Hayoppp!

Kahit hindi siya nagsasalita at gumagalaw, mata pa lang akting na akting na. Feel na feel mo ang pinagdaraanan niya kahit hindi siya magsalita. Congrats sa Team Sep! At sa buong production. Sana ganito lahat ng serye ng GMA!”

Mas marami pang nakakaantig at nakaka-inspire na mga eksena lalo na ngayon sa bagong mundo na papasukin ni Sep sa The Gift, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending