Daryl Ong hindi maramot na singer: Tulungan natin ang mga baguhan

By Julie Bonifacio October 10,2019
share this

Daryl Ong hindi maramot na singer: Tulungan natin ang mga baguhan

By Julie Bonifacio October 10,2019
share this

DARYL ONG

IN-DEMAND ngayon ang singer-songwriter na si Daryl Ong. Katatapos lang ng matagumpay na concert nila ni Bugoy Drilon sa Resort’s World kamakailan.

Si Daryl ay second placer sa The Voice Philippines (2014). And now, magkasama ulit sila ni Bugoy at iba pang artists sa gaganaping music fest, ang Las Islas Music Festival, na ang pakay ay ang makarating ang Pinoy music and talents sa buong bansa most especially mga “liblib” na lugar.

Tatlong lugar sa Visayas ang nakatakdang idaos ang Las Islas musicfest sa pangunguna nga ni Daryl.

Magsismula ang musicfest sa Panaad Stadium sa Bacolod on Oct. 25, sunod sa Barotac Nuevo Plaza, Iloilo on Oct. 26 at sa Aklan Sports Complex sa Oct. 27.

Bukod kina Daryl at Bugoy magpe-perfirm din sa LIMF si Ken Joose (finalist sa World of Dance Philippines), Jade Riccioss, Claudia Barretto at ang 1NEBAZE na binubuo ng magkakapatid na sina Haidez, Sor, Joong and Baby G.

Kahit nakapag-establish na ng name sa music industry, very much willing si Daryl na tulungan ang aspiring singers today.

Pinangarap din ni Daryl noon ang magkaroon ng puwang sa industriyang kinabibilangan niya ngayon. At ‘yun din ang nais niya sa mga baguhang singer, ang matupad ang kanilang dream na maging kilalang OPM singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending