Daryl Ong miss na miss na ang yumaong ina: Unang Pasko na wala siya sa piling namin... | Bandera

Daryl Ong miss na miss na ang yumaong ina: Unang Pasko na wala siya sa piling namin…

Ervin Santiago |December 19,2022
facebook
share this

Daryl Ong miss na miss na ang yumaong ina: Unang Pasko na wala siya sa piling namin…

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 08:47 AM

Daryl Ong miss na miss na ang yumaong ina: Unang Pasko na wala siya sa piling namin...

Daryl Ong at ang yumaong ina

MALUNGKOT ang Pasko ng OPM artist na si Daryl Ong dahil ito ang unang pagkakataon na hindi niya kapiling ang kanyang pinakamamahal na ina.

Miss na miss na raw ni Daryl ang yumaong nanay lalo pa nga’t malapit nang sumapit ang Christmas na isa sa mga paboritong okasyon ng kanilang pamilya.

Sa kanyang lnstagram account, nagbahagi ang singer ng isang art card kung saan inihayag nga niya ang matinding kalungkutang nararamdaman.

“Gusto ko ipagsigawan kung gaano ko kamahal at kamiss ang nanay ko, lalo na ngayong magpa-Pasko.

“Unang Pasko na wala siya sa piling namin,” ang caption ni Daryl sa kanyang IG post.

Samantala, sa isa pa niyang Instagram post ay binigyan naman niya ng tribute ang kanyang tatay na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.

Abot-langit ang pasasalamat ni Daryl sa ama dahil sa ginawa nitong pag-aalaga sa ina noong nakikipaglaban pa ito sa kanyang karamdaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daryl Ong (@imdarylong)


“Di ko man madalas masabi sa kaniya, pero mahal na mahal ko ang aking ama, ang aking ‘Dadi,’” mensahe ng singer.

Pagpapatuloy pa niya, “Maraming salamat sa pagiging ehemplo mo ng tunay na pagmamahal sa asawa, di mo iniwan si Mami hanggang sa huli.

“Halos di ka na matulog for 4 yrs sa pag-aalaga, dahil gusto mong ikaw mismo ang mag-alaga, talagang pinanindigan n’yo ang linyang ‘for better for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and cherish always.’

“Wala na akong mahihingi pa bilang anak, kundi ang alagaan mo ang sarili mo at wag ka muna sumunod kay Mami pls, alam ko clingy kayo sa isa’t isa, pero dito ka muna samin, kaya natin to, Happy Birthday Dadi, I love you!” ang kabuuan ng mensahe ni Daryl sa kanyang tatay.

Matatandaan noong October 31 ibinalita ni Daryl ang pagpanaw ng ina na labis niyang ikinalungkot at dinamdam.

Daryl Ong nalagasan ng followers matapos ipakita ang tunay na ‘kulay’: No matter what, nirerespeto ko po kayo

Nanay ni Daryl Ong pumanaw na: Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending