Bugoy Drilon umamin: Sa mga relationships ko, ako yung naghahabol...so ngayon I’ll just go with the flow | Bandera

Bugoy Drilon umamin: Sa mga relationships ko, ako yung naghahabol…so ngayon I’ll just go with the flow

Ervin Santiago |November 20,2022
facebook
share this

Bugoy Drilon umamin: Sa mga relationships ko, ako yung naghahabol…so ngayon I’ll just go with the flow

Ervin Santiago - November 20, 2022 - 08:38 AM

Bugoy Drilon umamin: Sa mga relationships ko, ako yung naghahabol...so ngayon I’ll just go with the flow

Bugoy Drilon

MAKULAY at exciting ang takbo ng lovelife ngayon ng OPM artist na si Bugoy Drilon.

Inamin ng binata na may idine-date siya ngayong negosyanteng foreigner na nakilala raw niya sa Amerika sa pamamagitan ng kanilang common friend.

Sa isang panayam, naibahagi ni Bugoy ang ilang detalye tungkol sa personal niyang buhay kabilang na nga riyan ang ilang beses niyang pagiging heartbroken.

Kuwento ng binatang singer, “Lahat ng naging ex ko foreigner. I’m dating someone now. Non-showbiz. Foreign. Hindi ko puwede sabihin yung lahi. European siya.

“Nag-meet kami sa New York recently lang. I think kinonnect kami ng friend ko sa kanya. Kasama ko sila Khel (Michael Pangilinan) nu’n. Same na same age kami. And then nag-meet ulit kami sa L.A.,” lahad ni Bugoy.

Aniya pa, “Pumunta din siya ng L.A so she might come here kasi nasa Japan siya ngayon dahil sa business niya. Hopefully next month magkita kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bugoy Drilon (@bugoydrilon)


“Kung hindi next month, baka this month dito baka pumunta siya. I don’t have any specific place kung saan ko siya ipapasyal. Siguro kung saan mga trip niya,” ang pahayag pa ni Bugoy sa naturang interview.

Sey ni Bugoy, ngayon day ay hindi na siya nagpapa-victim sa tinatawag na love at first, “Normally kasi, sa mga relationships ko, ako yung naghahabol. So ngayon I’ll go with the flow.

“Kung para siya sa akin, para siya sa akin. Kung hindi siya para sa akin, it means na may ibang para sa akin. There are things kasi na we cannot control but our reaction is completely ours.

“Lie low lang, slow lang yung pace na gagawin ko, kung paano kami magko-connect deeply. Kasi we’re not rushing naman anything. We’re still getting to know each other. Hindi naman ako sikat, I’m just performing,” paliwanag ni Bugoy.

Pagpapatuloy pa niya, “I cannot say na nasa moment na ng in love kasi nga getting to know each other pa lang kami and ako din naman, ayoko kasi yung dati nu’n na pag na-love at first sight ka, dugso agad. That’s not what a relationship is.

“Yung love kasi you really have to get to know yung isang tao. Kung magba-vibe ba kayo or kung compatible ba kayo. Some people kasi pinapairal lang nila yung feelings nila. But feelings can change in a minute.

“Na-realize ko siguro sa mga experience ko kasi it’s a constant process, it’s a constant learning. So lahat ng mga experience ko, I have to learn from my mistakes. But life is about risk. Go big or go home,” mariin pang sabi ni Bugoy sa nasabing interview.

Kyle Echarri idol na idol si Bugoy Drilon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending