Naninira kay Angel supalpal kay Maria: Hindi siya paistar, nakatapak ang paa sa lupa | Bandera

Naninira kay Angel supalpal kay Maria: Hindi siya paistar, nakatapak ang paa sa lupa

Ervin Santiago |September 30,2019
facebook
share this

Naninira kay Angel supalpal kay Maria: Hindi siya paistar, nakatapak ang paa sa lupa

Ervin Santiago - September 30, 2019 - 12:35 AM

“WALANG bahid ng kamalditahan at pasaway attitude si Angel Locsin!” Yan ang ibinandera ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa harap ng entertainment press.

Sa thanksgiving presscon ng Dreamscape para sa finale week ng The General’s Daughter, sinopla ni Maria ang mga taong naninira at nagpapakalat ng malilisyosong chika laban kay Angel.

Natanong ang award-winning actress kung ano ang nami-miss niya sa TGD, “Mami-miss ko sa set namin, walang paistaran dito. Dito sa set, si Angel wala kang makikitang bahid na ‘nyora-nyora’ (senyora) na gumaganu’n. Wala, hindi ganu’n si Angel. Nakatapak siya sa lupa.”

“Si Angel, may nagsabi sa akin, ‘Ay, si Angel, ganito, ganyan…may topak iyan!’ E, sino bang tao ang walang topak?! Itong babaeng ‘to, good na sa director. Mas marunong pa sa director, gusto pa niya magdirek.

“Nagdidirek na rin. Meron siyang mga inputs, marami siyang questions. She collaborates with them,” paliwanag ng Diamond Star.

Saksi rin daw siya kung paano makitungo si Angel sa mga kasamahan nila sa serye, “Ako, nakita ko, yung positive side talaga. Tsaka malambing. Ang sarap din niyang lambingin. She has a very big heart.”

“Alam mo, sa ganito ako pala-ging sinusuwerte. Yung mga kasama ko, nasasabihan ako palagi na, ‘Uy, si ganyan, chuchu, kembot.’ Ang dami sinabi. Hindi ako kasi naniniwala kaagad sa mga tiktak na ganu’n. Chaka yung ganu’n.

“Do not judge a book by its co-ver. Because number one, you are not a cover!” aniya pa.

Simula nang mapanood ang The General’s Daughter noong E-nero, mahigpit na ang kapit ng manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.

Tutukan ang huling linggo ng The General’s Daughter sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending