PUMIRMA na rin ng exclusive contract ang Kapuso comedian na si Divine Tetay sa GMA Artist Center. Kasali rin siya sa The Gift ni Alden Richards kaya naman super thankful siya sa mga bossing ng Kapuso Network.
“I don’t know what words to use to describe how happy I am right now, joyful really!
“Sobrang laki! Like what I will always say learning doesn’t stop, every day you learn something, so you know you just keep on taking care of your craft.”
“With regards ‘yung pagiging comedian kung ano nagawa ng GMA sobrang laki!” pahayag ni Tetay.
Tungkol naman kay Alden, sinabi ng gay comedian na talagang nahe-hurt siya kapag nakakabasa at nakakarinig ng masasama laban sa aktor.
“Si Alden kasi sobrang bait. Kaya you cannot avoid na masaktan, like there are people na will say bad things about him, it breaks my heart. But, If they only knew how nice Alden is, sobra!” pahayag pa ni Tetay.
Samantala, sa pagpapatuloy ng The Gift, magsisimula na ang bagong yugto sa buhay ni Sep (Alden) matapos maaksidente sa naganap na rambulan sa Divisoria. Siguradong hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na episode ngayong magkakaroon na ng problema sa mata ang binata.
Paano haharapin ni Sep at ng nanay-nanayan niyang si Berry (Jo Berry) ang mga pagbabago sa kanilang buhay? Ano ang naghihintay na kinabukasan kay Sep? Yan ang tutukan sa laging trending at pinag-uusapang The Gift.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.