Jolo Revilla pakakasalan na ang gf na beauty queen sa US ngayong December | Bandera

Jolo Revilla pakakasalan na ang gf na beauty queen sa US ngayong December

Cristy Fermin |September 26,2019
facebook
share this

Jolo Revilla pakakasalan na ang gf na beauty queen sa US ngayong December

Cristy Fermin - September 26, 2019 - 12:15 AM

JOLO REVILLA AT ANGELICA ALITA

SA panayam namin kay Senador Bong Revilla sa digital show namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu na “Take It… Per Minute, Me Ganu’n” ay nagkataon namang dumalaw sa kanyang ama si Vice-Governor Jolo Revilla.

Natural, hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataon, pinaupo na rin namin sa interbyu ang vice-governor ng Cavite na maaliwalas na maaliwalas ang aura ngayon.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Ang nagagawa nga naman ng inspirasyon mula sa isang minamahal at nagmamahal din sa kanya na si Angelica Alita.

Ayaw pang magbigay ng mga detalye ni Vice-Governor Jolo tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ng beauty queen, pero malakas ang ikot ng balita na magaganap na ang kasalan sa December, sa Amerika sila magpapakasal.

Maraming nanghihinayang sa halos dekada na nilang naging relasyon ni Jodi Sta. Maria, pero sabi nga ni Senador Bong, “Kung saan maligaya ang mga anak namin, maligaya na rin kami para sa kanila.”

Nagniningning ang mga mata ng batambatang aktor-pulitiko, kitang-kitang maligaya siya sa piling ni Angelica, hindi na kailangan pang ipagtanong ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending