Young JV sa panggo-ghosting ni Gerald kay Bea: Paninira lang 'yun | Bandera

Young JV sa panggo-ghosting ni Gerald kay Bea: Paninira lang ‘yun

Julie Bonifacio |September 23,2019
facebook
share this

Young JV sa panggo-ghosting ni Gerald kay Bea: Paninira lang ‘yun

Julie Bonifacio - September 23, 2019 - 12:15 AM

“WALA pong overlapping!” Yan ang mariing pahayag ni Young JV sa isyu ng panggo-ghosting ng kaibigan niyang si Gerald Anderson kay Bea Alonzo over Julia Barretto.

Pinaninindigan ni Young JV na hindi pinagsabay ni Gerald sina Bea at Julia.

“Hindi ko nga po alam bakit may ganyang isyu. Nagulat na lang po kami na may ganyang isyu sa kanya. But for me po, basta, he’s in love. Sa kanya po ‘yun, personal choice na po ni Gerald. Hindi ko alam kung bakit nabo-bombard siya ng mga isyu. Sana nga po, knowing both sides naman, sana po let’s respect them,” paliwanag ng singer-actor.

Bilang matalik na kaibigan ni Gerald, may alam daw si Young JV sa isyu ng aktor at ng ex-girlfriend nitong si Bea, pati na kay Julia.

“For me, feeling ko pansira lang talaga ‘yun sa kanya. Feeling ko everything (pangnega lang) and I feel like, they shouldn’t do that,” lahad niya.

Tinanong din siya kung up to now ay affected pa rin si Gerald ng mga pamba-bash sa kanya, “Well, kapag kasama ko siya, palagi naman siyang masaya. Basta nandoon kami for him. We’ll always be on his side.” Nakiusap din si Young JV na tigilan na ng mga basher sa social media si Gerald, maging si Julia.

“Sana maging peaceful na lahat. Kasi sa totoo lang, walag ghosting na nangyari,” aniya pa.

Sa nakaraang ABS-CBN Ball ay magkasama raw sila ni Gerald sa isang table. Habang nasa kani-kanilang table rin sina Bea at Julia, “Yes po, magkasama kami sa Ball. Magkasama kami all through the night, nag-enjoy lang kami.”

Naging malapit din si Young JV kay Bea nu’ng sila pa ni Gerald, “I became close to her. Masasabi na super close kami. Pero si Ate Bea naman has always been generous to everyone.” Nanghinayang daw si Young JV sa relasyon nina Bea at Gerald.

“He really loves the person so much. Alam ko, e, kaibigan ko kasi siya. It’s you know, sabi ko kanya, ‘Bro, kung anuman ang desisyon mo we’’re all here to support you.’ Sabi namin, just always think of your happiness, and alam ko naman na he’s responsible sa mga desisyon niya,” aniya pa.

Hindi naman nairita si Young JV nu’ng tinatanong siya tungkol sa iskandalong kinasangkutan nina Bea, Gerald at Julia sa launch ng isa na namang Megasoft Hygienic product nina Aileen Choi Go, ang FasClean.

Mas lalong hindi rin siya nagpi-feeling awkward being the endorser ng isang detergent powder kahit na isa siyang certified na lalaki.

Inamin ni Young JV na naglalaba naman daw talaga siya. Bata pa lang ay na-train na siya ng kanyang tatay na isang military man na bago siya umalis ng bahay o gumimik, kailangan ay maglaba muna siya ng kanyang mga damit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“After that, matagal din po ako na hindi naglalabas kasi puro washing machine na ngayon, e. Pero ngayon siyempre, nu’ng sinasabi sa akin my endorsement na FasClean, try ko nga ulit. Para makita ko ‘yung resulta,” lahad pa ng celebrity endorser ng Megasoft.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending