Gary sa balitang nagpakamatay si Gab Valenciano: This is fake news…my God!
NAWINDANG si Gary Valenciano nang lumabas sa social media last Sunday ang balitang nagpakamatay ang anak na si Gabriel Valenciano dahil sa depresyon.
Inilabas ni Gary ang screen shot ng pekeng TV report sa kanyang Instagram at Twitter account kung saan ginamit pa ang logo ng ABS-CBN.
“I know this is fake news. But just so you know My God. It asks you to share first before watching,” saad ni Gary sa caption ng kanyang post.
Nitong nakaraang mga araw, umamin ang anak ni Gary na dalawang beses siyang nagtangkang magpakamatay. Pero nanaig pa rin ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan para hindi ituloy ang balak na tumalon mula sa kanyang condominium.
Nanawagan din siyang tumawag sa isang hotline ang mga taong nakararanas ng depression para may makausap at makapagpayo sa mga dapat nilang gawin.
“I believe that my failed attempts had a greater calling, and that calling is to reach out and help as many people as I can who are struggling with mental health issues, through empathy and compassion.
“Please everyone, there are people willing to listen and help. It doesn’t need to end this way. The only way to battle this is to fight together so fight with us.
“You can do this. Stay alive, my dear friends. You are enough and you are worth it,” bahagi ng pahayag ni Gab.
The Philippine Suicide Hotline is 896-9191or 0917-854- 9191.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.