Pagbabalik ni Baron sa rehab fake news

September 12,2019
share this

Pagbabalik ni Baron sa rehab fake news

September 12,2019
share this

BARON GEISLER

Mariing idinenay ni Baron Geisler na mawawala na siya sa Ang Probinsyano para bumalik sa rehabilitation center.

Aniya, hindi raw ito totoo pero ayaw na niyang patulan ang issue dahil wala naman itong katotohanan, “Wag na. No comment na ako sa isyung yan kasi lalaki lang po.

“Just keep them wondering, as long as we know I’m still in Probinsyano, nothing to worry. I’m doing well. Okey na po ‘yon. Less chika, more on showing.

“Kita naman po sa posts natin po everyday na lumabas ako sa Probinsyano. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” paliwanag ni Baron sa isang panayam.

Kinumpirma rin niya ang balita na binigyan na siya ng honorary title bilang Datu. Magiging ambassador daw siya ng peace sa Mindanao at tutulong sa mga kapatid nating mga Muslim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending