‘The Gift’ ng GMA 7 hirap na hirap mag-taping sa Divisoria; 20 pulis, 20 tanod nakabantay sa bawat eksena
NGAYON pa lang ay super excited na ang fans ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na mapanood ang bagong primetime series ng GMA 7 na The Gift.
Pero siyempre, mas excited at nape-pressure rin ang Pambansang Bae sa bago nilang proyekto pero aniya, naniniwala siyang mamahalin ng manonood ang kanilang programa dahil sa napakagandang kuwento nito.
“Sobra po akong na-excite na bumalik sa teleserye upon the presentation pa lang ng project na ‘to. Noong pinresent po siya sa akin, tinanggap ko po siya agad with the hopes na magiging maganda yung pagkakagawa nito, with the help of the creatives and the directors.
“Yung istoryang ito, malapit po sa puso naming lahat and, of course, malapit sa puso ng mga Filipino. Talaga naman pong, aminin man natin sa hindi, ang mga Pinoy viewers po, mahilig talaga sa drama at sa mga ganitong klase ng istorya,” pahayag ni Alden sa mediacon ng The Gift.
At tungkol naman sa pressure, matapos ngang itanghal na highest-grossing Pinoy film of all time ang “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo, “Sa lahat naman ng projects, meron ‘yan. Yung pressure po sa una, mas maganda po kung magagamit natin sa magandang paraan.
“Kung maipu-push po natin ang mga hindi natin kayang gawin dati. Ako po, I really encourage the feeling of being pressured, kasi yung feeling na kailangan mong may maibigay ka, may mapatunayan ka sa ginagawa mo.
“Kasi, it really helps kesa yung relaxed ka na nasa comfort zone ka lang, kumportable ka palagi sa ginagawa mo at ayaw mo nang lumabas doon. Kasi, feeling mo, kapag lumabas ka, hindi mo na magagampanan nang tama ang dapat mong gawin. May pressure po, but it’s a beautiful pressure,” aniya pa.
Samantala, medyo pahirapan ang taping ng The Gift dahil nga halos lahat ng mga eksena ni Alden ay sa Divisoria kinukunan kung saan napakahirap raw ng crowd control.
Ayon sa direktor ng serye na si LA Madridejos “buwis-buhay” din ang ganap ng production sa taping nila sa Divisoria at ilan pang lugar sa Maynila, “Ramdam na ramdam po namin yung effect ng pelikula ni Alden.
Nu’ng unang punta namin sa Divisoria, pagbaba po ni Alden sa sasakyan, hindi ako makapag-take, kasi yung mga tao, nakatutok.
“Ang lakas ng appeal ni Alden sa masa ngayon. Nag-attempt kami, three times, na mag-taping sa Divisoria. Meron kaming 20 na mga pulis, 20 na mga tanod bukod pa sa mga security, personnel ng GMA. Pero umalis na rin po sila. Nakulitan na, kasi yung mga tao, lumalaban.
“Kapag sinabi na ‘Huwag kayo diyan,’ ang sagot ng mga tao, ‘Bakit, anong gagawin mo?'” sabi pa ni Direk. Kaya naman agad silang gumawa ng paraan para ma-resolve ang problemang ito.
Sey ni Direk LA gumawa sila ng set na parang Divisoria somewhere in Quezon City, “Pero sa tingin ko po, kung may mga eksena na wala si Alden, puwede kaming mag-shoot nang mapayapa. Although from time to time po, gusto ko sanang ilapit si Alden doon para ma-feel niya rin na ito ang kanyang effect.”
Gaganap na bulag si Alden sa serye at napakarami raw niyang natutunan sa kanyang role, “Sometimes we take things for granted, normal lang na nakakakita tayo but once na mawala siya, parang that really got me.
“Actually, nalungkot ako nang ma-experience ko kasi ang hirap mawalan ng paningin. After that immersion, I interviewed people who can see before sila nabulag and na-inspire ako sa kanila na tipong ‘what can be my contributions to society now that I’m blind?’
“Iyon ‘yun gusto kong makuha ng mga manonood. Bibigyan natin sila ng peak sa mundo ng mga taong hindi nakakakita para mas maintindihan natin sila,” aniya pa.
Mapapanood na sa Sept. 16 ang The Gift sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Jean Garcia, Jo Berry, Elizabeth Oropesa, Rochelle Pangilinan, Martin del Rosario, Mikee Quintos at marami pang iba.
q q q
Sa presscon pa rin ng The Gift, naging sentro ng usapan ang umano’y pagnanasa raw kay Alden ng dalawang gumaganap na ina niya sa serye, sina Jean Garcia at Jo Berry.
Ang co-star nilang si Elizabeth Oropesa na gumaganap namang lola ni Alden sa kuwento ang nagbuking tungkol dito. Kaya naman ito ang isa sa mga naitanong kay Jo after ng question and answer.
“Hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin nu’n. Palagi rin pong sinasabi ni Direk LA na mag-ina kami rito,” paliwanag ng bulinggit na aktres. Pero inamin niya na grabe ang paghanga niya kay Alden at kinikilig rin siya sa binata.
Ipinag-pray daw talaga ni Jo na makatrabaho si Alden kaya dream come true para sa kanya ang The Gift.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.