Dream house ng nanay pinag-iipunan na ni Kathryn: Kaya kayod-kayod pa!

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

Dream house ng nanay pinag-iipunan na ni Kathryn: Kaya kayod-kayod pa!

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

SIGURADONG maraming maiinggit na nanay kay Mommy Min Bernardo dahil sa ipinangako sa kanya ng anak na si Kathryn Bernardo.

Nag-iipon na ngayon si Kath para sa dream house ng kanyang ina. Kamakailan ay ibinalita ng dalaga na nabili na niya ang isang malawak na lote na pagtatayuan ng ireregalo niyang bahay kay Mommy Min pati na rin sa amang si Daddy Teddy.

“Maganda po ang lote. Sabi namin kay Papa, ‘Ayan Papa, ito na ang nabiling lote.’ So yung bahay tatrabahuin ko pa,” chika ni Kath.

“‘Yung ‘soon’ alam ko gusto rin ni Mama na mapatayo na yung dream house na yun, so sana this year masimulan. 

“Gusto ko kasi kapag nagpatayo ng dream house yung gusto na namin, yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family. So, hopefully mag-start na yung construction soon. Kayod pa,” sey pa ng Box-office queen.

“Sana soon kasi I’m taking my time. Hindi joke magpagawa ng bahay. Siyempre kung may gusto akong ibigay kay mama na dream house, yung dream house na niya.

“So, magtatrabaho pa ako and, hopefully, maka-start yun soon kasi tatlong taon nang nandu’n yung lupa. Sabi na lang namin, someday, uunti-untiin natin iyan,” lahad pa ni Kath.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending