Baron Geisler ‘nabinat’ kaya ibabalik Ssa rehab, goodbye na sa ‘Ang Probinsyano’ | Bandera

Baron Geisler ‘nabinat’ kaya ibabalik Ssa rehab, goodbye na sa ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin - August 31, 2019 - 12:35 AM

BARON GEISLER AT COCO MARTIN

Totoong ibabalik uli si Baron Geisler sa rehabilitation center dahil sa pagkakaroon niya ng relapse.

Kumbaga sa lagnat ay nagkaroon siya ng binat kaya kailangan uli niyang sumailalim sa tutukang gamutan.

Ayon sa aming source ay hindi naman pinatay ang kanyang role sa Ang Probinsyano kung saan gumaganap siyang napakawirdong kalaban ni Coco Martin bilang si Ricardo Dalisay.

Marespeto raw namang nagpaalam si Baron sa isang ehekutibo ng produksiyon, ipinaalam niya na babalik nga siya sa rehab, pero anumang oras daw siyang kailangan sa taping ay darating siya.

Kuwestiyonable para sa marami ang kanyang sinabi, papayagan ba naman siya ng pamunuan ng rehab center na lumabas para magtrabaho, parang hindi magiging posible ang paalam ni Baron.

Kung matatandaan, nu’ng isama siya sa isang pelikulang ipinrodyus at pinagbidahan ni dating Laguna Governor ER Ejercito ay ganu’n ang kanyang ginawa.

Kapag kailangan siya sa shooting ay nagpapaalam siya sa rehab, pagkatapos ay bumabalik din siya agad, pero ibang rehab ‘yun sa bagong institusyong pinagdalhan sa kanya ngayon.

Sana nga ay totohanin na ni Baron Geisler ang madalas niyang pangako na magbabago na siya para sa ikauunlad ng kanyang pagkatao at career.

Tantanan na niya ang bisyo ng pag-inom na hindi niya kinakayang dalhin kapag nasasayaran na ng alak ang kanyang lalamunan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending