PCSO kumita ng P1B mula nang payagan na muli ang STL
NAKAKOLEKTA ng P1 bilyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office mula sa Small Town Lottery.
Ito ay mula nang bawiin ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng STL noong Agosto 22, ayon kay PCSO General Manager Royina Garma.
“Today (Thursday), we are happy to announce that some Authorized Agent Corporations have complied and reported to our office since yesterday. So far, PCSO has collected a total of Php1,044,031,266.28 from nineteen AACs as payment of 3 months advance and Php33,440,168.77 for the short fall payments,” ani Garma.
Ipinatigil ni Duterte ang operasyon ng STL noong Hulyo 26.
Nang payagan ang operasyon ng STL ay nagpalabas ng bagong guidelines ang PCSO bago muling makapag-operate ang mga AACs kasama na ang pagbibigay ng tatlong buwang advance payment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.