Sanya kay Nora: Pag tinitigan ka niya, may kakaibang feeling! | Bandera

Sanya kay Nora: Pag tinitigan ka niya, may kakaibang feeling!

Cristy Fermin - August 23, 2019 - 12:45 AM

NORA AUNOR AT SANYA LOPEZ

Superstar si Nora Aunor, kanyang-kanya ang titulong ‘yun at walang sinumang makaaagaw sa kanyang trono, pero tao pa rin ang Superstar at hindi imortal.

Sa kanyang edad ngayon na sixty six na ay natural lang na meron na siyang mga nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, kailangan na niyang humingi ng tulong sa mga vitamins, maitatago ang edad pero ang nararamdaman ay hindi.

Sakitin na ngayon si Nora, pero mga ordinaryo namang sakit ‘yun na sabi nga ay malayo sa bituka, ‘yun ang dahilan kung bakit nagbibigay siya ng oras sa kanyang pagtatrabaho.

Maaga siyang dumarating para maaga rin siyang makunan, maaga rin ang kanyang pack-up, hindi na siya puwede sa magdamagang pagtatrabaho.

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa magandang aktres na si Sanya Lopez na kasama ng Superstar sa bago niyang pelikula ay hindi matapus-tapos ang papuri ng magandang dalaga sa Superstar.

Sabi ni Sanya, “Napakasuwerte ko po dahil nabigyan ako ng chance na makatrabaho ang Superstar. Iba po, ibang-iba ang experience, napakahusay po talaga niyang umarte.

“Kapag tinititigan ka na niya, meron pong ibang feeling na hindi mo alam kung saan nanggagaling, basta, mame-mesmerize ka na lang sa kanya,” masayang kuwento ni Sanya Lopez.

Sabi nga, napakaraming bituin sa langit pero may isang uri ng bituin na nakasisilaw ang liwanag, ‘yun ang bituin ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending