Anong tamang diet para sa iyo? | Bandera

Anong tamang diet para sa iyo?

|August 19,2019
facebook
share this

Anong tamang diet para sa iyo?

- August 19, 2019 - 08:00 AM

NAPAKARAMING uri ng diet ang pwedeng pagpilian. Ang tanong lang ay kung makatatagal ka ba? Pero sana lang oo, para achieve ang health goal!

Narito ang ilang uri ng diyeta na pwede mong piliin for a healthier you.

1. Vegetarian diet. Alam na, pag vegetarian, ibig sabihin walang kahalong karne ang kinakain. May iba’t ibang uri rin ng vegetarian diet, gaya ng fuitarian na puro prutas lang ang dapat kainin. Meron din na lacto vegetarianism na pwedeng kumain ng dairy pero di kasama ang itlog. Meron din namang ovo vegetarianism na pwede ang itlog pero bawal ang dairy.

2. Vegan diet. Huwag maconfuse sa vegetarian at vegan. Ang mga vegans ay hindi kumukonsumo ng mga produkto na nagmumula sa hayop gaya ng itlog, dairy products at maging honey.

3. Atkins diet. Ito ay isang uri ng low-carbohydrate diet na ipinakilala sa mundo ng nutritionist na si Robert Atkins. Maraming nagsasabi na ang diet na ito ay epektibo sa pagbabawas ng timbang kaysa sa low-calorie diets. Gayunman, paniwala ng iba ay malaki ang health risks ng diet na ito.

4. South Beach Diet. Ipinakilala naman ang South Beach diet sa publiko na naging fad din nitong mga nakaraang taon sa mga celebrities, ng Miami-based cardiologist na si Arthur Agatston. Ayon sa kanya, ang pinakamabilis na pagbaba ng timbang para maging mas healthy ay hindi ang pagbabawas ng lahat ng carbo at fats sa mga pagkaing kinakain ng isang tao kundi kung paano pipiliin ang tamang carbo at fats na dapat mong kainin.

5. Ketogenic diet. High-fat, low-carb diet naman ang pinu-push nito. Gamit ito para sa me-dical treatment ng mga nakararanas ng epilepsy.

6. Liquid diet. Keri mo kaya ito na puro li-quid lang ang lalamanin ng iyong sikmura? Kung ganitong uri ng diyeta ang ikokonsumo, kailangan may gabay ito ng doctor or dietician dahil na rin sa mga medical reasons.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending