P83M jackpot nasolo

By Leifbilly Begas August 13,2019
share this

P83M jackpot nasolo

By Leifbilly Begas August 13,2019
share this

ISANG mananaya ang nanalo ng P83 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 32-07-10-21-20-19.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong. Ang premyo na mahigit P10,000 ay papatawan ng 20 porsyentong buwis.

Nanalo naman ng tig-P44,550 ang 19 mananaya na nakalimang numero. Tig-P530 naman ang 1,257 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 20,759 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending