Duterte adik sa trabaho, hindi na natutulog; Ipe, Robin nag-aalala | Bandera

Duterte adik sa trabaho, hindi na natutulog; Ipe, Robin nag-aalala

Julie Bonifacio - July 31, 2019 - 12:30 AM

PHILIP SALVADOR AT RODRIGO DUTERTE

MULING mapapanood sa telebisyon ang isa sa controversial stars nu’ng dekada ‘80 na si Jobelle Salvador. Kasama siya sa cast ng bagong teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Janella Salvador, ang The Killer Bride.

Naging malaking isyu sa showbiz noon ang pagkakaugnay ni Jobelle sa hottest action star during that time na si Robin Padilla. At naging laman ng mga babasahin ang pagkakaroon niya ng anak kay Binoe.

But later on, nilinaw ni Jobelle na inako lang ni Robin ang batang nasa sinapupunan niya that time. “Hindi ko nakakausap si Robin since bumalik ako rito,” pahayag ng aktres nu’ng makausap namin sa grand presscon ng The Killer Bride.

Happy naman si Jobelle na close na close ngayon si Robin sa kanyang tito na si Phillip Salvador nang dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinuha namin ang reaksyon ni Jobelle sa pinakawalang statement ng kanyang Tito Ipe laban sa mga anti-Duterte.

“Kung anuman po ang pinanggagalingan ni Tito Ipe, the fact that he is very close to the President, you know, hindi ko po siya kinakampihan.

“Wala po akong kinakampihan. Ang sa akin lang, he knows the President more than anybody. Kasi lagi nga po siyang kasama,” say ni Jobelle.

Early this year ay nagkasama raw sila ni Ipe at nabanggit daw nito sa kanya ang mga ginagawa ni Duterte. Hindi na raw natutulog si PDigong dahil sa dami ng kanyang inaasikaso.

“For his age, you know, like everybody around the President is really very worried about the President’s health, kasi nga po hindi na nagpapahinga. Talagang workaholic.

“So, maybe, ‘yung hindi nga kasi nakikita natin, siya nakikita niya. ‘Yung loyalty niya nandoon. If they only knew, siguro nadala na lang siya ng emotion niya out of frustration,” lahad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending