Earthquake safety tips na dapat mong tandaan | Bandera

Earthquake safety tips na dapat mong tandaan

Melvin Sarangay - July 29, 2019 - 08:00 AM


MADALAS na nakakaranas ngayong taon ng earthquake o lindol ang bansa. Nito lang Sabado ay niyanig ng malakas na lindol ang Batanes at nakasabay din nito ay pagsasagawa ng earthquake drill sa Metro Manila.

Narito ang ilang tips at paalala na dapat mong tandaan para makapaghanda at maging ligtas kapag merong lindol sa inyong lugar:

Magkaroon ng earthquake readiness plan.

Kumunsulta ng propesyunal para malaman kung paano mapatatatag ang inyong tahanan kung sakaling magkalindol.

Humanap ng lugar sa inyong tahanan kung saan kayo maaaring pumunta sakaling magkalindol. Dapat ang lugar na ito ay walang mga bagay na tutumba sa iyo tulad ng doorframe.

Magkaroon ng suplay ng pagkaing delata, first aid kit, tatlong galon ng tubig kada tao, dust mask at goggles, gumaganang battery-operated na radio at mga flashlight na madaling makukuha.

Tandaan ang Drop, Cover and Hold.

Manatili sa loob ng bahay o gusali hanggat hindi tumitigil ang paglindol at siguraduhing ligtas kayo sa paglabas.

Umiwas sa mga kagamitan na posibleng mabagsakan ka.

Umiwas sa mga bintana lalo na kapag nasa isang gusali.

Kung nasa iyong higaan, manatili dito at protektahan ang iyong ulo gamit ang unan.

Kung nasa labas ng inyong tahanan, humanap ng lugar na malayo sa mga gusali, mga puno at mga power line.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung nasa loob ng inyong kotse, bagalan ang pagmamaneho at humanap ng ligtas na lugar. Manatili muna sa iyong sasakyan hanggat hindi tumitigil ang pagyanig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending