Kris pang-best actress agad sa unang pasabog ng ’Hanggang Sa Dulo...’ | Bandera

Kris pang-best actress agad sa unang pasabog ng ’Hanggang Sa Dulo…’

Ervin Santiago |July 29,2019
facebook
share this

Kris pang-best actress agad sa unang pasabog ng ’Hanggang Sa Dulo…’

Ervin Santiago - July 29, 2019 - 12:35 AM

GRABE ang mga papuri na tinatanggap ni Kris Bernal dahil sa pang-best actress na akting niya sa afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Tama nga ang sinabi ni Kris sa presscon ng bagong Kapuso serye, nakakapagod at nakaka-stress ang mga eksena niya bilang si Naomi na gagawin ang lahat para lang makasama ang lalaking pinakamamahal kahit na hanggang sa kamatayan.

Halos lahat ng mga comments sa social media ng mga tumututok sa serye ay iisa ang sinasabi, napakagaling ni Kris bilang isang babaeng inagawan ng lalaki.

Sabi nga ng isang viewer ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, “Baka dito na makakuha ng best actress trophy si Kris Bernal. Sa pilot week pa lang ay tumodo na agad siya. Intense kung intense! Kudos sa whole production!”

Komento naman ng isa, “Nakakatakot si Kris! Parang talagang possessed siya! Siya ang babaeng ayaw mong makaribal sa lalake! Lagot sina Julia Barretto at Gerald Anderson kung naging katulad ni Naomi si Bea Alonzo! Ha-hahaha!”

“Ikaw na talaga Kris Bernal! Imagine kering-keri niya ang mabibigat na emosyon na sabay-sabay niyang napi-feel bilang isang baliw sa lalaki! Agree me sa mga nagsasabing nangangamoy best actress na para sayo!” ang hirit ng isa pang netizen.

Pati ang dalawa pang bida ng serye na sina Rayver Cruz at Megan Young na gumaganap bilang mag-asawa (Matteo and Yvie) ay nakakatanggap ng magagandang feedbacks from the viewers. Perfect cast nga raw ang mga artistang napili ng GMA Entertainment para sa HSDNBK.

In fairness, sa unang linggo pa lang ng serye ay ang dami agad nilang pasabog. Napakarami agad ng mga nangyari sa kuwento kaya naman nakuha agad ng HSDNBK ang atensyon ng manonood.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, abangan kung paano sisirain ni Naomi ang pagsasama nina Matteo at Yvie at kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang maagaw sa kanyang karibal ang lalaking pinakamamahal.

Sabi nga nina Kris, Rayver at Megan, simula pa lang ng kanilang serye kaya napakarami pang dapat abangan ang viewers, lalo na ang mga twist and turns ng kuwento kapag nagsimula nang maghiganti si Naomi.

Napapanood ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhat Ko sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending