SINUPORTAHAN ng mga alkalde sa Metro Manila ang 60-araw na palugit na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government para linisin ang mga kalsada.
Nauna nang binigyan ng dalawang buwan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para tanggalan ang kani-kanilang nasasakupan ng mga nakaharang.
Nagbanta pa ang DILG na isasailalim sa imbestigasyon ang mga mayor na mabibigong sumunod sa kautusan at posibleng maharap sa suspensyon.
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga LGUs na bawiin ang mga kalsada.
Sinabi ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno na sapat na ang 60-araw para matanggal ng mga lgus ang mga iligal na istraktura, at mga aktibidad sa kalsada, gaya ng pagtitinda.
“Sixty days is enough time for every local government unit to clear these things,” sabi ni Moreno.
Nauna nang sinimulan ni Moreno ang paglilinis ng mga kalye sa Maynila, kabilang na ang Divisoria at Quiapo.
Sumuporta rin si San Juan City Mayor Francis Zamora sa pagsasabing posible ang 60-day deadline.
“The 60-day timeline is very doable and we’re already starting with that,” sabi ni Zamora.“ You have to strike a good balance but of course we have to follow the law.
Patas naman para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang dalawang buwang ultimatum.
“I think 60 days is a fair deadline kakayanin po natin ‘yan. Basta constant implementation po tayo,” sabi ni Sotto.
“Nag-start naman na po kami pero ido-double pa natin yung effort natin to clear the road,” dagdag noya.
Ito rin ang pangako ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
“Kinausap ko na po yung mga officers ng mga association ng mga vendors upang sila talaga po ay lumikas,” sabi ni Calixto-Rubiano.
“Ako naman po ay tumutulong na maghanap ng ibang venue para po mapagtindihan nila kasi po sila ay naghahanap buhay ng marangal naman,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.