Dennis bida sa life story ng lalaking pumatay, kumain sa sariling ama
Sasabak muli si Dennis Trillo ngayong Sabado sa Magpakainlanman. Bihirang lumabas sa weekly drama anthology ni Mel Tiangco ang Kapuso Drama King kaya espesyal sa kanya ang nasabing episode.
“Ito na marahil ang ang pinakamabigat na kuwentong aking nagampanan sa buong career ko bilang artista,” saad ni Dennis sa episode na “Patawad Ama Ko.”
Sa kuwento, bibigyang-buhay ni Dennis ang karakter ni Samuel, isang kriminal na pinatay, niluto at kinain ang kanyang ama dahil sa isang mental condition na hindi niya alam kung paano matatakasan.
Siyempre, masusubok na naman ang galing sa pag-arte ng Kapuso actor sa mga eksena kahit batid ng marami ang kahusayan niya.
Makakasama rin ni Dennis sa MPK episode sina Allan Paule, Ana de Leon, Bruce Roeland, Orlando Sol at iba pa.
After ng winning episode ni Amy Austria last week sa MPK, siguradong lalaban din sa ratings games ang husay ni Dennis bukas ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.