Aktres hindi na kinuha sa sikat na serye, ang daming arte

By Cristy Fermin July 18,2019
share this

Aktres hindi na kinuha sa sikat na serye, ang daming arte

By Cristy Fermin July 18,2019
share this

MARAMING nanghihinayang sa isang pinalampas na oportunidad ng isang pamosong female personality.

Ang ganda-ganda sana ng kanyang pagbabalik sa pag-arte pero nang kausapin siya ng mga tagapamahala ng produksiyon ay kung anu-ano ang kanyang itinatanong at hinihingi.

Marami siyang sinasabing bawal sa kanya, kung anu-anong dahilan ang ibinibigay niya, kaya nagbago ang isip ng produksiyon na idagdag sana siya sa isang sikat na serye.

Kuwento ng isang source, “Sa umpisa pa lang kasi, e, marami na siyang pinalabas na pag-iinarte. Kesyo hanggang alas dose lang siya puwedeng magtrabaho, hindi siya puwedeng bumabad sa taping nang lampas na sa hatinggabi.

“Nakakaloka nga naman ‘yun! Ano siya, child star? Para siyang bata na hindi puwedeng magtrabaho nang lampas nang alas dose?

“Nalokah sa kanya ang mga kumausap sa kanya, after lunch lang dapat ang calltime niya dahil marami pa raw siyang inaasikaso sa bahay niya. Siya lang daw kasi ang kasama ng mga kids niya, kaya kailangang maayos muna ang lagay ng mga bagets bago siya umalis ng house.

“Ang after lunch, e, ala una na nang hapon, tapos, hanggang alas dose lang siya puwedeng magtrabaho, ano ang magagawa niyang mga eksena sa ganu’n kaigsing panahon?

“E, sa reading pa lang at rehearsal take, e, mahabang oras na ang kakainin, paano pa ang actual take niya? Nakakaloka siya, ha?” simulang chika ng aming source.

At meron pang mga kundisyon ang babaeng personalidad na mas ikinaloka pa ng kanyang mga kausap.

Kakaiba siya talaga, marami siyang hinihingi sa produksiyong kumukuha sana sa kanya.

“Ayaw niyang may kasamang hindi niya gusto. Kunwari, inis siya sa isang personality, ayaw niyang makasama sa trabaho ang mga ayaw niya!

“Nakakalokah siya, ha? ‘Yun na sana ang magandang break para sa tulad niyang nagbabalik uli sa pag-arte, pero sinayang pa niya ‘yun dahil sa mga kaartehan niya!” nakairap na kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling hulaan kung sino ang female personality na ito. Gusto n’yo ba siyang hampasin ng bareta ng sabon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending