I-text kay Madam Sophia (July 22, 2013) | Bandera

I-text kay Madam Sophia (July 22, 2013)

Madam Sophia - July 22, 2013 - 07:00 AM

Mula kay Nicole ng Barangay San Isidro (Lagao 2nd), General Santos City. July 7, 2001 ang birthday ko. Ano po ba ang dapat kong gawin para magustuhan din ako ng mahal ko?
Tugon ni Madam Sophia:
Sa edad mo, kung maaaring ‘wag ka munang “mag-mahal” o pigilin mo muna ang sarili mo na “ma-in love”. Maaaring maitanong mo kung bakit ganyan ang payo sa iyo ng iyong Madam Sophia? Nangyari dahil lubhang napakabata mo pa upang pagukulan ng panahon ang mga bagay na may kaugnayan sa pagibig at pakikipag-relasyon.
 Ang pinakamabuti mong magagawa ngayong panahong ito ng iyong buhay ay pagbutihin mo muna ang iyong pag-aaral. At sa sandaling sumapit na ang iyong edad sa 18 years old, maaari na nating sagutin ang tinatanong mo kung ano ang dapat gawin para magustuhan karin ng mahal mo.
Tandaan: “Ang pagkahalina sa pag-ibig sa murang edad ay maaari mong pagsisihan sa bandang huli, ngunit ang tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay!”
 Sa ganyang paraan, hintayin mong tumuntong ka sa tamang edad saka ka ma in love, higit kang magiging maligaya at magkakaroon ng isang successful family life sa hinaharap!
-o-o-o-
Mula kay Lyda, ng Kabacan, North Cotabato. June 19, 1992 ang birthday ko. Magiging masuwerte din ba ako sa love life at career?
Tugon ni Madam Sophia:
 Ayon sa birthday mo, para maging successful ka sa love life at career, lagi kang magsasama sa mga taong isinilang sa petsang 5, 14, 23, 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, ang mga taong nabanggit ang magbibigay sayo ng suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng career at love life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending