MAS mababa na sa critical level ang tubig sa Angat dam kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration naitala sa 159.93 metro ang lebel ng tubig sa Angat mas mababa sa 160.30 metro na naitala noong Miyerkules ng gabi.
Ang critical level ng Angat at 160 metro.
Bumaba naman ng 0.05 metro ang tubig sa La Mesa dam o mula 72.21 metro ay bumaba sa 72.16 metro.
Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending