Rotational water service interruption magpapatuloy- Manila Water
SINABI ng Manila Water na magpapatuloy ang rotational water service interruption sa mga sakop nito sa east zone sa kabila ng pagtaas ng lebel ng Angat Dam.
“Manila Water continues to implement these interruptions to equitably distribute the limited supply to all of its customers as NWRB has maintained daily raw water allocation at 36 cubic meters per second despite the improving level of Angat Dam,” sabi ng Manila Water sa isang advisory.
Idinagdag ng Manila Water na nakadepende rin ang suplay ng tubig sa taas ng lugar at layo nito sa mga pasilidad ng water concessionaire.
“The hours of water supply availability in your area may vary, especially in high elevation areas and those farthest from our facilities, as we continue to manage supply and pressure in our distribution system to make water available for all our customers,” dagdag ng Manila Water.
Base sa pinakahuling lebel ng Angat Dam, tumaas ito sa 161.86 metro matapos ang sunod-sunod na raw na pag-ulan.
Kailangan naman nito na tumaas pa ng 19 na metro para maabot ang normal na lebel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.